KZ TANDINGAN, MULING MAGTATANGHAL SA ARANETA COLISEUM #iFMLucena #iFMNews #ifmnewslucena #TatakRMN

3 Views
Published
KZ TANDINGAN, MULING MAGTATANGHAL SA ARANETA COLISEUM

Muling magtatanghal sa smart araneta coliseum ang asia’s soul supreme na si kz tandingan para sa kanyang solo concert na “wildflower.” Inanunsiyo ang concert sa social media sa pakikipagtulungan nina tandingan, asawang si tj monterde, cornerstone entertainment, at direktor na si john prats. 

Si prats ang mamamahala sa palabas na gaganapin sa pebrero 6, 2027.

Kasunod ito ng sunod-sunod na proyekto ni tandingan, kabilang ang kantang “luha ng buwaya” Kasama ang rapper na si gloc-9 at ang single na “kaya” Na inilabas noong hulyo.

Noong marso, ginawaran si tandingan ng rule breaker award sa billboard philippines women in music bilang pagkilala sa kanyang pagiging malikhain at patuloy na pagtulak sa mga hangganan ng industriya ng musika.

Matatandaan na nagtala ng apat na sold-out na palabas sina tandingan at monterde sa araneta coliseum noong pebrero 2026 para sa “In Between” Concert.
#iFMLucena #iFMNews #ifmnewslucena #TatakRMN #RMNNetworkNews #rmn #PowerOfHyperlocal #RMN74DiamondInTheMaking #roadto75
Category
P-pop Reactions
Sign in or sign up to post comments.
Be the first to comment